Tuesday, September 15, 2009

Sa Aking Mga Kabatak



Sa Aking Mga Kabatak
Ni: marnelita

Kami'y mga simpleng kabataan
Mulat sa kamunduhan
Sumasabay sa agwas
At para sa ami'y madilim ang bukas

Ngunit yaring katayuan
Dama nami'y panandalian
Pagkat tangan na buhay
Ang Diyos ang tumutunghay

Siyang naging daan
mula kadiliman patungong kaliwanagan;

Mula sa di tiyak
Patungong katiyakan
Mula sa kabalisahan
Patungong kapanatagan
Mula sa kasalanan
Patungong kapatawaran
Mula sa kamatayan
Patungong buhay

Hindi matapos ang pusong mapalad
Sa pagpapasalamat
Pagkat Ikaw Hesus
Ang daan, katotohanan, at ang buhay...
Wala nang mahihiling pa.