Monday, March 2, 2009

Christian boy loves "kuyang ate"



CHRISTIAN BOY LOVES 'KUYANG ATE'
by: Jun Esguerra

Last sunday, after ng fellowship ng mga kabataan sa church, inaya kami
ni Brian na samahan siya mgapagupit sa puregold.
Tutal magoonline naman ako sa balubaran , sinamahan ko na. E di ayun, after maglakad ng 5minutos,
dumating na kami dun. First time lang ni Brian magpagupit dun kaya 'di
namin alam kung magkano.

BRIAN: magkano kaya haircut dito?
AKO: ewan..lapit tayo baka may nakapaskil sa labas.

Naexcite yata si brian kaya pumasok na siya agad. Nung nasa loob na
siya, sumenyas siya sa amin ni Chris Tiu na pumasok..siyempre sunod
naman kami.

Sa loob, maaliwalas..ok naman.
May isang customer doon sa bandang looban na ginugupitan.
Tapos may isang babae sa may counter, nag-aabang ng mga customers na papasok..
Napansin kong puro "kuyang ate" ang mga tagagupit pero may mga babae
din naman silang empleyado na 'di na iba sa mga pagupitan na
napuntahan ko na..

Umupo narin kami ni Chris Tiu sa gilid kasama ang isang lalaki at si Brian ay umupo narin banda doon para gupitan. Mukang enjoy naman si Brian habang tinatanong ng tagaupit kung ano ang gusto niyang style ng buhok. Medyo masikip ang upuan namin ni Chris Tiu aksi nagsisiksikan
kami sa isa. Napansin ata ng isang tagagupit na nahihirapan kami..

TAGAGUPIT: uy sir..lipat nalang po kayo dito.

Nagkatinginan kami bigla ni Chris Tiu. Siyempre medyo nahiya narin
kaming makiupo sa umpukan nila doon pero lumipat narin si Chris.

Medyo maingay sa loob..

Puro tsismisan ang maririnig sa bibig ng bawat isa.

Kami ni Chris, napapangiti nalang sa mag biruang kanilang napag-uusapan. Natapos na ang isang customer doon..at kasabay na lumabas ang katabi ko. Kami nalang ang natira doon kasama ang mga "kuyang ate" na nagkekwentuhan.

TAGAGUPIT: sir..ok lang po kayo?
AKO: ok lang po.
TAGAGUPIT: anong pangalan niyo sir?
AKO: jun..
TAGAGUPIT: jude??
AKO: jun..
TAGAGUPIT: ah..jude.

Parang di naglinis ng tenga..naiba pa tuloy ang panagalan ko.
Nagpatuloy ang palitan ng tanng at sagot sa amin..napapangiti nalang
si Brian doon sa puwesto niya habang ginugupitan ng sobrang bagal.

TAGAGUPIT: sir ikaw, san ba kayo galing niyan?
CHRIS TIU: sa church, may fellowship kasi kami.
TAGAGUPIT: ay, ano bang religion niyo?
CHRIS TIU: Born Again Christian po..

Basta nagpatuloy nalang ang mga usapan..
Tapos ay bigla naikwento ng isang "kuyang ate" doon na meron daw silang
customer na "Christian" daw pero nang-agaw ng boyfriend ng kasamahan
nila..

TAGAGUPIT: magagalit kaya ang pastor niyo kung magkaroon ng ganun sa inyo?
AKO: naku.hindi ko po alm..wala pa kasing nagiging ganyang sitwasyon
samin e.

Bigla uli kami nagkationginan ni Chris Tiu.

Paulit-ulit ang mga tanong na ganun..nagkaroon rin ng batuhan ng asar ang bawat isa sa kanila.

Medyo masaya pero bakit di ko ba sila sinagot sa tanong nilang iyon? siguro alam ko naman ang sagot diba? o baka isipin nila nagmamagaling ako?

Natapos na ang gupitan session.

TAGAGUPIT: balik kayo sir ha!
KAMI: ok! salamat po..

Naglakad na kaming tatlo papuntang balubaran. Nagutom ata si Brian sa
sobrang tagal ng paggugupit sa kanya kaya bumili muna kami ng "Angels
Burger" at pagkatapos ay naghiwahiwalay narin.
Siyempre nagonline muna ako..after 2hours ay umuwi narin.

Habang nakahiga ako, naisip ko nanaman yung tanong sa salon.
Ok nga lang ba na magkaroon ng ganung relasyon ang isang lalaki at Christian pa daw siya?
Well, wala pa nga namang ganung sitwasyon sa church namin. Pero sa sarili kong pananaw, sa tingin ko ay hindi talaga "Christian" yung lalaking kinuwento ni kuyang ate. Baka sa pangalan, oo. Sabi nga ng pastor namin, "Habang lumalago ka sa pananampalataya,
mas marami kang nakikitang kamalian sa buhay mo na dapat baguhin o ayusin.."

So kung Kristiyano talaga siya, maiisip niya kaagad na mali ang relasyong iyon diba? At dapat niyang itama iyon..

Ako, pwede kong sabihing "Christian" ako, pero pwede ako
manigarilyo,uminom,maglasing. Pero yun na nga yun e. Paano
madidistinguish ang isang "totoong Christian" sa hindi kung pwede ring
gawin ng isang Christian ang ginagawa ng hindi?

Bilang mga Krisyiayno, alam naman nating lahat na simula ng tanggapin
natin Si Hesus, hindi na tayo ang drayber ng buhay natin, hinayaan na natin siyang mag-take over.

Pero sa ginawa ng Christian "daw" na 'yon na nakipagrelasyon sa
kapwa niya lalaki e sa tingin ba niya ay nakalulugod ito sa mata ng Diyos?
Kaya marami paring tao ang nalilito..

"Hindi lahat ng tumatawag saking Ama ay anak ko.."

Sayang nga lang at hindi ko ito nasabi doon sa tagaugpit na nagtanong.
Kaya tuloy minsan tuloy iba ang tingin ng tao sa isang "Christian"..

Iba iba ang pananaw nila..

Tinatawag mo bang "Christian" ang sarili mo para maging "IN" ka lang?
O ginagamit mo ang oportunidad na ito para maging magandang halimbawa
at maging ilaw sa mga taong naliligaw pa?

Ano?

Live out Christ!
Be a Living Testimony!
Be a blessing sa iba.
GBu.

0 comments: